For BINI 🌸
Dear BINI
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagpili sa isa’t isa, at sa pagpapatunay na ang pinakamagagandang pangarap ay ang mga pangarap na pinipiling abutin nang magkakasama. Salamat din sa mundong patuloy ninyong binubuo, isang mundong nagbibigay ng pag-asa, inspirasyon, at pakiramdam na may lugar ang bawat isa.
Sana, gaano man kalayo ang marating ninyo, manatili kayong walong pusong marunong mangarap para sa isa’t isa, magmahal sa isa’t isa, at umuwi sa isa’t isa.
Pangako kong ipagdiriwang ko ang bawat pangarap na matutupad ninyo, hanggang sa marami pa kayong marating, at marami pa kayong pusong maabot.
♾️
