For Jhoanna 💙
Dear Jho
Hindi mo man ito alam, pero dahil sa’yo, mas marami akong natutunang subukan at paniwalaan. Ang dami kong “oo” sa buhay na hindi ko siguro nasabi kung hindi dahil sa inspirasyong ibinibigay mo.
Sana manatili kang may pusong marunong mangarap, magmahal, at magbigay ng kabutihan sa iba. At sana ibalik sa’yo ng mundo ang lahat ng pagmamahal at kabutihang malaya mong ibinibigay.
Habang patuloy mong tinutupad ang mga pangarap mo, pangako kong palagi kitang ipagdiriwang, ipagdarasal, at susuportahan, sa bawat hakbang, sa bawat tagumpay, at sa bawat pangarap na maaabot mo.
💙
